themuntingprinsipe

Art Blog: http://muntingprinsipe.tumblr.com

Si Rizal bilang Mason

with 2 comments

Aakalain siguro ng iba na simpleng larawan lang ito ni Rizal, ngunit ang larawang ito ay isa lang sa mga bakas ng partisipasyon ni Rizal bilang isang Mason. Sa litratong ito, bagong miyembro pa lang ng Masonerya si Rizal dahil pa ng Marshall pa ang kanyang suot.

Kilala natin si Jose Rizal bilang bihasa sa maraming bagay, ngunit hindi madalas napag-uusapan ang kanyang pagiging isang Mason. Lingid sa kaalaman ngnakararami, naging kasapi si Rizal ng isang sikretong kapatiran na kinabibilangan ng mga pinakamakapangyarihan at kilalang tao sa lipunan.

Lihim man ang kapatirang kinabilangan ni Rizal, hindi naman naging sikreto ang kanyang mga kontribusyon sa kapatiran. Sa aking pagkakaalam, namulat si Rizal sa mundong ito sa kanyang paglalakbay sa Madrid kung saan siya ay sinasabing naimpluwensyahan sumali sa pamamagitan ni Miguel Morayta, isang propesor ng Kasaysayan sa Universidad de Madrid. Sumali si Rizal sa Acacia Lodge No. 9 na bahagi ng isa sa pinakamalaking grupo ng Masonerya sa Espanya. Ayon sa mga Pilipinong Mason, umabot ng 18th Degree Mason si Rizal at naging isang Master Mason sa Madrid noong Nobyembre 1890.

Alinsunod sa mga kasanayan noon sa Masonerya na maaring gumamit ng isang pangalang sumisimbolo sa katauhan, ginamit ni Rizal ang pangalang Dimasalang. Si Rizal ang itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensya at pinakatanyag na Pilipinong Mason sa kasaysayan ng ating bansa dahil sa kanyang mga naging kontribusyon.

Panahon pa ng mga Kastila ng unang maitatag ang Masonerya sa Pilipinas, at si Marcelo H. del Pilar ang sinasabing nagtatag nito sa ating bansa. Sila Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon, at Jose Rizal, ay ilan lang sa mga tanyag na Pilipinong Mason na naging bahagi na ng ating kasaysayan.

Si Juanito P. Abergas, ang kasalukuyang Grand Master of the Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, ay ang tumatayong pinuno ng mga Mason sa Pilipinas na nagkikita-kita sa mga tinatawag na Lodges na matatapagpuan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Dahil sa konsepto ng kapatiran sa mga Mason, at respeto sa lihim na usapan, nahikayat si Rizal na maging isang Mason dahil sa kanyang pagnanais na makawala sa mga kamay ng Kastila. Ginamit ni Rizal ang kanyang mga natutunan na pamamaraan ng mga Mason upang mabuo ang La Liga Filipina. Talagang hinahangaan ko ang paggamit ni Rizal sa mga network at sistema ng mga Mason upang isulong at ipaglaban ang reporma para sa kalayaan ng ating bansa.

Ang isa sa mga pinagdedebatihan na detalye sa kasaysayan ay kung binawi ba ni Rizal ang kanyang pagka-Mason bago siya binaril ng firing squad sa Bagumbayan. May mga nagsasabing itinatwa niya ang pagiging Mason, bagay na hindi ko buong pinaniniwalaan dahil pagkatapos ma-firing squad noong Disyembre 1896, inilibing lang si Rizal sa isang sementeryo sa Paco na walang basbas ng simbahan.

Ilang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Rizal, inalok ng mga paring Heswita ang pamilya ni Rizal na bigyan siya ng katolikong libing, ngunit tumanggi ang kanyang pamilya at sa halip ay ibinigay ang karapatan sa mga Mason.

Sa pangunguna ni Timoteo Paez, ang mga kapatid ni Rizal sa Masonerya ang nag-prusisyon ng kanyang mga labi papunta sa isang templo ng Masonerya sa Tondo. Dito binigyan si Rizal ng funeral honors bago inilibing sa Luneta noong 1912.

Sa buong kasaysayan, malalim ang hidwaan ng simbahan at mga Mason sa buong mundo. Ramdam ito hanggang sa Pilipinas dahil sa paniniwala ng simbahan na erehe ang mga Mason at mariin nilang ipinagbabawal ang pagsapi ng isang katoliko sa kapatiran. Ngunit para sa kapatiran, hindi nila kinokontra ang pagiging isang Katoliko o ano mang relihiyon ng isang miyembro at ang Masonerya ay hindi kailan man sumalungat sa mga aral na itinuturo ng simbahang Katolika.

About these ads

Written by themuntingprinsipe

July 7, 2011 at 12:56 pm

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. oh hi there cedie! may blog ka pala! hehe

    Jaypee

    July 7, 2011 at 2:32 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: